Pag-ibig na Walang Katulad

Pag-ibig na Walang Katulad

By: Francis Ang

Ang pag ibig daw niya’y walang katulad;

Budhing itim ko man ay iladlad,

Dumi ng isip ko man ay walang takas,

Tiyak daw na ako ay kaniyang ililigtas.

Ano nga ba ang nararapat,

Sa kasalanan kong sandamakmak?

Sa tuwing ako’y gagawa ng kabutihan,

Hinihigitan din ito ng paggawa ng kasalanan.

Sino siya na makapangyarihan?

Kasalanan ko daw ay kanyang kinamkam.

Sa dugo niya ako’y tinubos.

Upang hindi na maging isang busabos.

Wari ko’y di ako karapat-dapat,

Sa piling niya ay mapadpad,

Ngunit kaluwalhatian nitong dulot

Sa kanya ay ipagkakaloob.

Oh pag-ibig ni Kristo,

Wagas ang pagmamahal lalo’t sa mga pilyo,

  Kanyang pagligtas sa isang tulad ko,

Banal na Espirito and tanging nagpuno.

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: