Archive for the ‘ Poems ’ Category

Tagalog thoughts

“Alam mo ba kung gaano ka kahalaga sa akin?

Mahirap ipaliwanag…

Sabihin na lang natin na parang DAGAT…

matatanaw mo na may hangganan…

pero di mo masukat kung hanggang saan…”

Advertisements

My Heart’s Desire

My Heart’s Desire

Dedicated to my wife Jennifer Ang

By: Francis Ang

 

My eyes saw a lady,

Lady in white they say.

She is pretty and jolly;

I know my eyes are not folly.

Knowing you, gave light to my life,

talking to you is like floating in the sky.

And whenever you greet me with your sweet “hi”,

I was surprised that I was floating so high.

To tell you the truth, I am afraid of heights.

But because of you, I am willing to reach the sky;

Because every time we are together, the joy pours out from my heart,

Saying something like: “Lady, you are my heart’s desire.”

Pag-ibig na Walang Katulad

Pag-ibig na Walang Katulad

By: Francis Ang

Ang pag ibig daw niya’y walang katulad;

Budhing itim ko man ay iladlad,

Dumi ng isip ko man ay walang takas,

Tiyak daw na ako ay kaniyang ililigtas.

Ano nga ba ang nararapat,

Sa kasalanan kong sandamakmak?

Sa tuwing ako’y gagawa ng kabutihan,

Hinihigitan din ito ng paggawa ng kasalanan.

Sino siya na makapangyarihan?

Kasalanan ko daw ay kanyang kinamkam.

Sa dugo niya ako’y tinubos.

Upang hindi na maging isang busabos.

Wari ko’y di ako karapat-dapat,

Sa piling niya ay mapadpad,

Ngunit kaluwalhatian nitong dulot

Sa kanya ay ipagkakaloob.

Oh pag-ibig ni Kristo,

Wagas ang pagmamahal lalo’t sa mga pilyo,

  Kanyang pagligtas sa isang tulad ko,

Banal na Espirito and tanging nagpuno.

Advertisements